Reunion

Flash Fiction of Felipe Dimaculangan

All were now set. The food dishes for visitors were prepared on the table. The venue is fully covered by air of affection. He is even ready. He had togged his best dress for this special event. He knows that it was not easy to reunite all his loved ones.

People came up rushing and passed him already. He knows well most of them but the few faces seem vague in his mind now and names were forgotten. Travelling around, he still has someone to wait for.

Couple of hours passed, his eyes abruptly fixed on the three coming in. The woman is still beautiful as he expected, and much in the black dress she is wearing. He just wish that he is still the man she is with. Pityingly, he can never do it now nor rectify everything he had done.

He cannot help but just be contrite as the child, his son, with the woman and her new partner, slowly lays down the flowers they were bringing for him and starts to burst in tears.

“I am so sorry, son, for leaving you the rubbish heap of my errors. But then I am grateful for having you here. Here on my first and last occasion, my funeral.” His voice quavered but no one had heard him.

Pulang Payong

Dagli ni Felipe Dimaculangan

Naaalala ko pa ang araw nang huli na akong nakauwi sa bahay dahil sa overtime matapos lang ang manuscript sa thesis. Hustle ang araw na iyon dahil bukod sa madilim ang buong paligid at delikado na sa pag-uwi, bumubuhos pa ang malakas na ulan.

Naaalala ko pa ang maganda mong tinig nang sinabi mong sa akin na ang pulang payong na iyo sanang bibilhin. Nag-iisa na iyon sa tindahang natatanging bukas ng mga oras na iyon. Tumanggi ako pero naawa ka sa akin dahil sa basang-basa kong hitsura mula sa pagsugod ko sa ulan makarating lang doon sa tindahan. Tutol kong nauna ka sa pagdampot sa payong na iyon kaya ikaw na dapat ang bumili. Pero nagpumilit ka, sinabi mong paano naman ako makauuwi lalo pa’t basa na ako ng ulan at baka magkasakit pa. Ani mo, para makasiguro kang makauuwi ako nang maayos, inihatid mo ako pauwi at ikaw pa ang sumagot sa pamasahe. Pinapapasok kita sa aming bahay pagkarating natin pero sagot mo, huwag na lang dahil malalim na ang gabi at huli ka na sa pag-uwi. Iniwan mo sa akin ang pulang payong na binili mo at sinabing gamitin ko ito para hindi na ako sumugod pa sa ulan at magkasakit lalo pa’t napansin mong masama na ang pakiramdam ko ng gabing iyon. Hindi pa natin kilala ang isa’t isa pero ito ang una nating pagkikita.

Naaalala ko pa nang dalaw-dalawin mo ako sa aming tahanan at nagdala ng mga prutas at pagkain hanggang sa gumaling ako. Napakaalaga mo noon at kita ko sa iyong mga mata na sa lubha ng nararamdaman ko ay sa lubha rin ng pag-aalala mo. Nakuha mo pang puntahan at kumustahin ako pagkatapos ng iyong klase sa paaralan sa kabila ng iyong pagod at mga takdang-gawain pa.

Naaalala ko pa nang lubos nating makilala ang isa’t isa. Hilig mong kantahan ako, at masaya tayong dalawa tuwing magkasama. Pero naputol ang saya nang iwan mo ako dahil sa lihim mong sakit na leukemia. Nag-iwan ka sa akin ng liham at humihingi ka ng tawad dahil sa hindi mo pagbanggit sa akin. Alam mong lubos lang akong malulungkot.

Subalit hindi na bale mahal, malapit na kitang makasama. Heto na ako, matanda at uugod-ugod na, at sa aking buhay, buong hinintay ang pagkakataong itong muli tayong magkita. Tulad ng pulang payong na iyong ibinigay, luma na at magabok at ngayo’y nanlulumbay.